I will keep riding my bike to school
Nag-strike ang mga jeepney drivers noong Lunes. That encouraged me all the more to take my bike to school. So for the first day of summer classes, I rode the bicycle to school.
Siguro nga totoong kakarampot na lang ang kinikita ng mga driver. Pero hindi ako naniniwala na ang pagtataas ng pamasahe ang dapat na tahaking solusyon. Hindi commuter ang dapat pumasan sa pagiging inefficient ng jeepney transport system.
Bakit nga ba hindi sumasapat ang kita ng mga tsuper at operator ng jeep? Siguro kung hindi sila ganito karami sa kalsada, mas malaki ang kikitain nila. Eh tumingin ka nga sa kahit anong terminal ng jeep, mag-obserba ka lang sa kalsada, ang hahaba ng pila ng mga jeep na walang laman! Ang daming jeep na nag-aagawan sa pasahero. Sa patuloy na pagdami ng mga jeepney drivers at operators, sa dami nilang nag-aagawan sa pasahero, kinakapos ang kita ng bawat isa.
Dahil sa maliit na kita, napipilitang maging ganid, kaskasero at mga bwisit sa kalsada ang mga driver ng jeep. Para lang makakuha ng pasahero. Sila-sila rin ang cause of traffic. Hindi ba nila naiisip na sa pagbabara nila ng traffic kumokonti ang biyaheng nagagawa nila? Sila rin ang napeperwisyo sa kawalan nila ng disiplina sa daan.
Tapos sasabihin nila na tumataas ang presyo ng gasolina at spare parts. Given, tumataas nga ang presyo ng gasolina, pero spare parts? Do jeepney drivers actually maintain their jeepneys well? Spare parts my ass! Kung pinapaayos nila talaga ang mga jeep nila matagal nang luminis ang hangin sa Maynila!
Tapos ang kapal ng mukha nilang ilipat ang cost of inefficiency sa commuter?! Sistema kaya nila ang ayusin nila! Totoong nakakaawa sila, pero hindi rin ba nakakaawa ang ordinaryong mga mananakay na napipilitang makuntento sa bagal, dumi at discomfort ng pagsakay sa jeep? Tapos sisingilin mo pa sila nang mas mataas na pamasahe? It’s not worth it! Nagiging kasing-ganid sila ng mga oil companies. Hindi commuter ang dapat pumasan sa inefficiency nila.
All these coming from a jeepney driver’s grandson.
I strongly agree that the cost of the oil price increase should not be passed on as a whole to the jeepney-riding public. Style din ng MERALCO yang rason na yan eh, yung pina-pasa kuno yung increase at wala silang nakukuha from it. Sa kahit anong negosyo, hindi pwede consumers lang ang nahihirapan while the producers keep their profit margin.
Spare parts? Baka nagpapatawa lang sila. Akala yata nila spare parts ang tawag dun sa basahan… hehehe.
Agree ako on what you had said. Tama ka that masyadong madami ng jeepneys sa daan kaya nababawasan ang kanilang pasahero. Mataas talaga ang GAS pero they should not put their “grunt” sa mga pasahero.
I mean kung wala na talaga silang perang makuha, why don’t they do other jobs. Alam mo yun, magipon nalang sana sila para dun sa bahay nila makapatayo sila ng sari-sari store, pangdagdag kita lang. O kaya, alisin nila ang bisyo nilang paninigarilyo.
Bawasan na rin nila yun mga woofers at sound systems sa jeep. makakatipid pa sila nun.
Tapos, nagmamakaawa-awa sila. Sila nga, galit pa kung humihingi ng Student Discount…. Hmmppphhh
And now, They are asking for a 2.50 increase sa fare increasing it from 5.50 to 8.00. 2.50 increase my ass!
Gusto ko lang pong sabihin na may grupo ng mga tsuper na hindi kasama sa mga call nila ang pagtaas ng pamasahe. Naiintindihan din po nila ang sitwasyon ng karaniwang mamamayang Pilipino. Alam nilang kaakibat ng pagtaas ng pamasahe ang pagtaas ng maraming bagay, tulad ng presyo ng gulay (transpo ek-ek), atbp.
Hindi rin naman po siguro tama na isisi natin sa mga tsuper ang tawag nila sa pagtaas ng pamasahe. Tulad po natin, may mga pamilya din silang pinapakain. Tulad po natin, nahihirapan din sila sa paggalaw sa ilalim ng bulok na sistema ng Pilipinas.
Wala lang. Medyo tibak mode lang. ^_^
Hi. I like music. Recently has found excellent sites. On these sites music really free. It is a lot of qualitative music. If it is interesting, these sites.
http://free-mp3.blogest.org/index.html free mp3
http://mp3-music.pozitor4.info/index.html mp3 music
It seems it is that site.
http://online-tramadol.pozitor5.info/online-prescription-tramadol–.html online prescription tramadol