Tsina (Part 5/6)
Nobyembre 2, 2004.
Nung umaga, dinala kami sa Summer Palace o Yi He Yuan. Isang malawak na malawak na artipisyal na hardin na unang ipinagawa ni Emperador Qinlong noong 1750. Winasak ito ng mga banyagang Pranses at Ingles noong 1860 ngunit ito ay itinayong muli ng tanyag na Emperadora Cixi. Basta. Hindi ko matandaan lahat, basta maganda lang at napakalawak ng hardin, nakakalula at nakakamangha ang luho ng mga dugong-bughaw ng Tsina. Kahanga-hangang isipin na ang napakalawak na lawa sa gitna ng hardin ay artipisyal lang rin! Hah, at ‘Summer‘ Palace lang ‘yan ah. Iba pa ang totoong tahanan nila sa Forbidden City (mamaya ‘yan). Pictures lang ang mainam kong patunay.
Oo nga pala, ang lamig, lamig, lamig, lamig na naman!! Haha, hindi talaga ako nasanay.

Bago magtanghalian, dinala kami sa isang ospital-kuno ng medisinang Tsino. Humahanga ako sa malawak na kaalaman na napag-aralan ng mga Intsik sa medisinang Tsino, pero hindi ko lang muna lubos malunok ang lahat ng inaangkin nitong kakayanan. Heto na naman ang mga lectures at demonstrations at ang mga hindi mo maiiwasang pamimili ng mga tourist-overpriced na produkto sa bandang huli. Pero hindi kami bumili. Meron naman n’yan sa Binondo eh (ata). Nagpa-check-up din ako sa duktor na Intsik, at base daw sa pulso ko sa braso, eh malusog na malusog daw ang katawan ko. Okay.
Matapos kaming dalhin sa ospital-daw ng medisinang Tsino, pinakain naman kami ng hotpot sa isang restawran. Naku. Hindi ko nagustuhan. Talaga palang iba-iba ang lutong Tsino. Hindi lahat masarap. Iba ang nakagawian naming shabu-shabu dito sa Maynila. Pero naaliw naman ako ng kaunti, parang lutu-lutoan, kahit hindi ako marunong, haha. Matapos kumain, ay linakad namin ang bangketa at tumawid ng kalsada patungo sa pinakamalawak ng public square sa mundo, ang Tian’men.

I’m in the heart of the largest nation on earth! People’s Republic of China!! Kung Tsino ako, umaapaw na siguro ako ng nasyonalismo noong mga panahong iyon. It was kind of overwhelming. I am reminded of the things that make me admire the Chinese a lot. Andami-daming Tsino! Ang lawak ng Tianan’men. Marami sa mga Tsino doon, mukang mga taga-probinsya ng Tsina na dumayo sa kabisera ng kanilang mahal na bansa. They all looked like they were oozing with nationalism and pride for their country. Nakakahanga, nakaka-intimidate. Ang haba-haba ng pila sa mauseleo ni Mao Zedong. Nakakainggit, parang ginusto kong maging Tsino! Andami-dami nila!
Itutuloy…
Oh my, you’re in China! Beautiful, beautiful country and culture!
I was at the Summer Palace on the day they put wet cement near one of the benches in the little island across the bridge. Nandoon pa kaya yung shoe prints ko ?
Glad you enjoyed your trip!